Problemadong nurse, nagbigti

IMUS, Cavite – Winakasan ng isang 27 anyos na nurse ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na hindi kayang malutas ang problema na kinakaharap nito kamakalawa ng umaga sa Bgy. Poblacion ng bayang ito.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Frederick Esguerra, may hawak ng kaso, dakong alas-11:00 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito at gamit ang isang kumot na pinulupot nito sa leeg.

Nabatid pa sa kapatid ng biktima na si Banjie Santillan, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-7:00 ng umaga at nagtuloy ito sa kanyang kuwarto.

Napapansin na umano nila ito na palaging malungkot at nag-iisip, sinubukan umano nila itong kausapin upang alamin ang problema subalit hindi umano sinabi sa kanila.

Nagulat na lamang sila ng pagpasok nila sa kuwarto ng biktima ay bumulaga ang nakabiting bangkay ng biktima. (Ulat ni Cristina Go Timbang)

Show comments