Killer ng reporter tinutugis
October 28, 2000 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Isang malawakang manhunt operations ang isinasagawa ng pulisya laban sa isang bigtime car theft syndicate sa Central Luzon na umanoy sangkot sa pagpatay sa isang reporter na pang umagang pahayagan noong nakalipas na linggo sa Macabebe, Pampanga.
Ito ang nabatid mula kay Macabebe Police Chief Supt. Edwin Mangaliman na sinabing ang mga suspek ay mula sa miyembro ng naturang sindikato at pumatay kay Daily Tribune reporter Melchor Parugnao, 44, habang ito ay nagmamaneho ng kanyang Tamaraw FX na may plakang PWN-510 sa kahabaan ng MacArthur Hi-way patungo sa nasabing lugar noong Sabado ng gabi.
Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng mga awtoridad sa isang ilog sa Barangay Batang sa nasabing lugar na may isang tama ng bala sa kanyang ulo at kaliwang binti.
Kinakitaan din ito ng bakat na sakal sa kanyang leeg at tinali pa ang kanyang mga kamay at may mga pasa sa katawan tanda na pinahirapan ang biktima ng mga suspek.
Bukod sa nawawala nitong sasakyan ay kasamang nawawala ang mga alahas, pera, cellphone at ilang mga personal na kagamitan na pinaniniwalaang tinangay ng mga suspek matapos isagawa ang krimen. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest