Aircon bus tumaob: sundalo patay, 4 sugatan
October 28, 2000 | 12:00am
DEL GALLEGO, Camarines Sur Isang miyembro ng Philippine Air Force ang nasawi habang apat na katao ang sugatan matapos ang sinasakyan nilang aircon bus ay tumaob kamakalawa sa kahabaan ng Quirino Hi-way Barangay Pasay ng bayang ito.
Nakilala ang nasawi na si M/Sgt. Manuel Obis, 52, miyembro ng Phil. Air Force na nakatalaga sa HPAF at residente ng 12th St. Villamor Air Base Pasay City. Samantala ang mga sugatan ay sina Rufino Santos, Aurey Cruz, Reggie Dela Cruz at driver na si Joel Interno.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang aksidente ay naganap dakong alas-3:30 ng madalig araw kamakalawa habang ang Philtranco Bus na may plakang PYL 947 na galing Pasay City ay bumabaybay sa Hi-way at patungo sa Naga City.
Mabilis na tinatahak ng bus ang naturang lugar nang biglang isang kulay pulang dumptruck ang sumasalubong sa kanilang dinaraanan.
Kaya ang ginawa ng driver ng bus ay iniwas niya ito para huwag mabangga sa truck, subalit hindi na nito makontrol ang manibela kaya ito ay sumayad sa tabi ng kalsada at bumaliktad.
Nasawi kaagad ang biktima sa lugar ng pinangyarihan at mabilis naman na isinugod ang mga sugatan sa Tagkawayan District Hospital. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest