Sa ulat na tinanggap kahapon ni Armed Forces of the Phil. (AFP) Chief of Staff Gen. Angelo Reyes, 15 pang Abu Sayyaf ang sumuko sa magkakahiwalay na lugar sa Pata Island at Panglima Estino ng nasabing lalawigan kamakalawa.
Kinilala ang panibagong grupo ng mga nagsisukong bandido na sina Basin Jain, Kadafi, Suraji, Gajer Hamsan, Maysel Badden, Sahial Usmain, Faisal Asbarin, Benjamin Amil, Salamaddin Sampang, Allih Hamis, Tolentino Bungasan, Garri Sampang at Basa Hailani, nakumpirmang pawang tauhan ng ASG Kumander Mujib Susukan.
Dakong alas-4 naman ng hapon makalipas na sumuko ang mga tauhan ni Susukan ay tatlo pang miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko rin sa mga elemento ng militar sa Brgy. Punay, Panglima Estino, Talipa, Sulu na kinabibilangan nina Jara Sahirin, Jammali Agga at Lambuting Jairulla.
Una rito, sumuko ang 19 Abu Sayyaf sa pangunguna ni Commander Taha Aban sa magkakahiwalay na insidente sa Bilaan Proper, Talipao At Bus-bus, Jolo, Sulu.
Ang 12 tauhan ni Susukan ay sumurender kay Capt. Lopez ng Naval Task Group sa Pata Island, Sulu, kamakalawa dakong alas-7:30 ng umaga.
Isinurender rin ng mga nasabing bandido ang 12 caliber .30, M1 Garand rifles at mga bala.
Sa kasalukuyan, ang black American hostage na si Jeffrey Craig Edwards Schilling ay naipasa na ng grupo ni ASG Spokesman Abu Sabaya kay Kumander Abdurajak Andas at ang Filipino diving instructor na si Roland Ullah na kabilang sa orihinal na Sipadan hostages na kinidnap sa Sabah, Malaysia noong Abril 23. (Ulat ni Joy Cantos)