Truck driver tinodas ng mga holdaper
October 27, 2000 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 50 anyos na truck driver matapos paulanan ng bala ng limang holdaper na nainis dahil sa walang nakuhang mahalagang bagay na laman ng truck kahapon ng madaling araw sa bayang ito.
Ang biktima na namatay dahil sa tama ng bala sa tagiliran na tumagos sa puso ay nakilalang si Pancho Magadia, company driver ng Option Logistics, may-asawa at residente ng Brgy. San Nicolas 2.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 12:30 ng madaling araw ay binabagtas ng biktima kasama ang pahinante na si Racel Gelmo, 30, ang kahabaan ng Burol Main ng sila ay harangin ng mga suspek na sakay ng isang kotseng pula na walang plaka.
Mabilis na bumaba ang limang suspek na armado ng mga baril at tinanong ang driver kung ano ang laman ng truck.
Nang sabihin ng biktima na tanging kahoy lamang ang laman ng truck at walang silang makukuhang mahalagang bagay ay nainis ang mga suspek at pinagbabaril nila ang truck.
Agad na tinamaan ang biktima habang si Gelmo ay mabilis na dumapa kaya ito ay hindi tinamaan.
Nang malaman ni Gelmo na umalis na ang mga suspek ay doon lamang ito kumilos at dinala sa isang pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest