^

Probinsiya

13-anyos na nene ni-rape ng tatay, kuya at kapitbahay

-
TERESA, Rizal – Masaklap ang naging karanasan ng isang 13-anyos na dalagita matapos siyang halinhinang halayin ng kanyang sariling ama, kuya at kapitbahay sa loob ng kanilang bahay noong nakalipas na linggo.

Kahapon ay naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Arnold dela Cruz,35, anak na si Mauro, 17, na kapwa residente ng no.42 Brgy. Bagumbayan at kapitbahay na si Renato Francisco, 46, binata, empleyado ng Department of Agrarian Reform-Teresa, Rizal Chapter.

Ang panghahalay sa biktima na itinago sa pangalang Ella, grade 5 pupil ay naganap noong Linggo dakong alas-7:30 ng gabi sa kanilang bahay habang ang kanyang ina ay nagtungo sa Laguna

Lasing na lasing na ang mga suspek ng puwersahang pinasok si Ella ng kanyang ama sa kuwarto kasunod ang kapatid at kapitbahay.

Hinawakan ang dalawang kamay ni Ella ng kanyang kapatid at kapitbahay habang ang kanyang ama ang unang humalay.

Pagkatapos ng ama ay humalili ang kapatid nito at ang kanilang kapitbahay.

Sa kabila ng pananakot ng mga suspek ay nagsumbong pa rin si Ella sa kanyang ina na nagtungo naman sa pulisya para ipahuli ang mga suspek. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BAGUMBAYAN

BRGY

CRUZ

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM-TERESA

ELLA

HINAWAKAN

KAHAPON

RENATO FRANCISCO

RIZAL CHAPTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with