Briton natodas dahil sa usok ng sigarilyo

DASMARIÑAS, Cavite – Isang 65 anyos na British national ang natagpuang patay ng kanyang pamangkin sa loob ng bahay nito kamakalawa ng umaga sa bayang ito.

Nakahandusay sa sala at wala ng buhay ng matagpuan ang biktima na nakilalang si Frederick Bryan Rose, may-asawa at residente ng Blk.9,Lot 3 Villa Luisa Subdivision ng nasabing lugar ng ito ay matagpuan ng kanyang pamangkin na si Eduardo Chua dakong alas 9:00 ng umaga.

Ayon sa mga kapitbahay napansin nila na ilang araw ng di-lumalabas ng bahay ang biktima gayong ugali nito na mag-ehersisyo tuwing umaga na lubos nilang pinagtataka.

Dito dumating si Chua sa bahay ng biktima na kanyang dinalaw dahil sa balitang nakarating sa kanya na ito ay hindi na lumalabas ng bahay.

Ganoon na lang ang kanyang pagkagulat ng makita na isa ng patay ang kanyang tiyuhin na walang anumang sugat sa katawan at lumalabas sa medico legal na ito ay nahirapang huminga sa sobrang dami ng sigarilyo na naubos nito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments