^

Probinsiya

Sakristan tiklo sa pagnanakaw sa simbahan

-
Isang 38 anyos na baklang sakristan ang naaresto ng mga kagawad ng Parañaque City Police kahapon, matapos nitong nakawin ang gintong korona ng Birheng Maria at koleksyon na nagkakahalaga ng P.1 milyon mula sa simbahan sa Bacoor, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Charlie Ramos, 38, sakristan ng Pag-asa Parish Church, tubong Nasugbu, Batangas at pansamantalang nanunuluyan sa isang lugar sa Parañaque City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek ay sangkot umano sa pagnanakaw ng gintong korona ng Birheng Maria at koleksiyon na nagkakahalaga ng P100,000 mula sa Pag-asa Parish Church na matatagpuan sa Brgy. Bahayang Pag-Asa, Molino, Bacoor, Cavite.

Dakong alas-10 ng umaga ay nag-apply ng trabaho si Ramos sa tanggapan ng Paranãque City Hall.

Subalit nadiskubre ng Personnel Division na ang pangalan ni Ramos ay nakalagay sa mga wanted person.

Kayat agad itong pinigil ng mga kawani ng Parañaque City Hall at pinahuli sa pulisya.

Dahil na rin sa reklamo ng kura paroko kaya’t ang litrato at pangalan ng suspek ay inilagay sa mga wanted person. (Ulat nina Lordeth Bonilla/Cristina Go-Timbang)

BACOOR

BAHAYANG PAG-ASA

BIRHENG MARIA

CAVITE

CHARLIE RAMOS

CITY HALL

CITY POLICE

CRISTINA GO-TIMBANG

LORDETH BONILLA

PAG

PARISH CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with