^

Probinsiya

Snatcher todas sa gulpi ng mga traffic enforcer

-
TANAY, Rizal - Isang snatcher na lalaki ang iniulat na nasawi dahil sa pagkakagulpi ng mga traffric enforcer makaraang mahuli sa aktong nang-agaw nang bag noong Oktubre 9 ng gabi sa nasabing bayan.

Kinilala ng pulisya ang preso na nasawi sa Morong General Hospital na si Elizaldy Guiao, 37, ng Brgy. San Rafael ng naturang lugar.

Si Guiao ay namatay dahil sa pagsisikip ng dibidib matapos na gulpihin ng mga nakahuling traffic enforcer sa kasong snatching ng bag ni Edison Legaspi, 17, estudyante habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep.

Nalalagay din sa balag ng alanganin sina Supt. Lebirato Elemos, Hepe ng Tanay police Station at Insp. Ruis Bernard, Warden ng Tanay BJMP dahil walang kaukulang medical certificate si Guiao bago ito ikulong sa nasabing piitan.

Ayon sa kasalukuyang umiiral na Special Operation Procedure (SOP), kinakailangan ipasuri muna sa ospital ang suspek na nasakote sa alinmang kaso bago ito ikulong subali't tinanggap pa rin ito nina Elemos at Bernard kahit na walang medical certificate.

Ayon sa ulat ng pulisya, namatay si Guiao isang araw matapos na ikulong sa nasabing kulungan dahil sa pagsisikip ng dibdib sanhi ng pagkakagulpi ng mga nakahuloing traffic enforcer na umano'y mga tauhan ni Tanay Mayor Tom Tanjuatco. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

EDISON LEGASPI

ELIZALDY GUIAO

GUIAO

LEBIRATO ELEMOS

MORONG GENERAL HOSPITAL

RUIS BERNARD

SAN RAFAEL

SI GUIAO

SPECIAL OPERATION PROCEDURE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with