Police officials bigo vs jueteng sisibakin - DILG Sec. Lim
October 25, 2000 | 12:00am
Nilinaw ni DILG Secretary Alfredo Lim kahapon na irerekomenda niyang sibakin ang mga regional director, provincial directors at hepe ng pulisya na mabibigong mapatigil ang lahat ng uri ng sugal sa kanilang nasasakupan.
Inatasan kahapon ni Sec. Lim si Police Regional Office 3 Director Rodolfo Calinisan na hulihin ang sinasabing mga gambling lords at personnel na patuloy sa operasyon ng kanilang jueteng sa Central Luzon partikular sa lalawigan ng Pampanga.
Ibinunyag kamakalawa ng Pilipino Star NGAYON (PSN) na patuloy ang jueteng operation sa mga bayan ng San Simon, Apalit, Minalin at iba pang bayan sa lalawigan ng Pampanga sa kabila ng mahigpit na kautusan ni Pangulong Estrada at Sec. Lim laban sa lahat ng uri ng sugal.
Siniguro din ni Lim na ang sinumang opisyal ng pulisya na mabibigong ipatigil ang jueteng operations sa kanilang nasasakupan ay masisibak sa kanilang posisyon.
Samantala, iniutos din ni Lim sa PNP at Local Government Unit Executives na mahigpit na ipatupad ang naunang kautusan ni Pangulong Estrada laban sa Bingo 2-Ball, casino, On-line bingo at Jai-alai operations sa kanilang mga lalawigan at bayan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended