^

Probinsiya

Pulis vs NPA: 8 rebelde todas

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Walong miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang tatlong amasona ang nasawi habang isang pulis ang malubhang nasugatan makaraang maengkuwentro ng mga ito ang pinagsanib na puwersa ng 402nd Police Mobile Group at Batangas Police sa kahabaan ng Barangay Haliging Kaunlaran, Batangas City kahapon ng umaga.

Nasamsam ng mga awtoridad buhat sa mga nasawi ang limang M-16, dalawang M-14, kalibre .38 at mga subersibong dokumento.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga rebelde at ang mga labi ay dinala sa Batangas PNP headquarters.

Isinugod naman sa Provincial Hospital ang nasugatang si SPO3 Nicolas Closa na nakabase sa Batangas-PPO sanhi ng tinamo nitong tama ng bala sa katawan.

Base sa inisyal na ulat, ang sagupaan ay nangyari dakong alas-11:45 ng umaga nang masalubong ng mga rebelde na lulan ng isang dump truck ang mga pulis at mga elemento ng Police Mobile Group sa kahabaan ng Barangay Haliging Kaunlaran.

Kaagad pinaulanan ng mga putok ng mga rebelde ang mga aworidad na dumarating.

Nabatid na ang mga awtoridad ay nagsasagawa ng kanilang routine check-up sa mga hinihinalang mga pugad ng mga rebelde.

Tumagal ng ilang minuto ang sagupaan ng mga rebelde at ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakasawi ng walo at pagkasugat ng pulis.

Napilitang tumakas ang mga rebelde ng makita na ang kanilang mga kasama ay may mga tama at walo na ang nasawi sa kanilang grupo. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY HALIGING KAUNLARAN

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS POLICE

ED AMOROSO

NEW PEOPLE

NICOLAS CLOSA

POLICE MOBILE GROUP

PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with