Nasamsam ng mga awtoridad buhat sa mga suspek ang ilang mga small plastic tea bag na naglalaman ng shabu, marked money na nagkakahalaga ng P500 at isang Yamaha tricycle na may plakang DV 8267 na sinasabing gamit ng sindikato sa kanilang ilegal drug operation.
Base sa spot report na natanggap ni Chief Inspector Felix Castillo, RTMO4 Operation Chief ang nadakip na big-time drug pusher na nakilalang si Manuelore Jay Flores, 34, ng Calapan City at ang apat nitong mga triggerman na sina Fermin Lataran, 27, Gerry Javier, 17, Ramoncito Hernandez, 22 at Lolito Magundayao, 33 na pawang naninirahan sa Barangay Singko, Calapan City.
Ayon kay Castillo, si Jay Flores ang siyang lider ng sindikato ng droga na tinaguriang Mercado Group na may koneksyon sa mga big-time drug pusher sa lalawigan ng Batangas, Laguna at Cavite.
Base sa ulat, naganap ang buy-bust operation dakong alas-9:45 ng gabi nang magpanggap na poseur buyer ang isang ahente sa mga suspek sa kanto ng Barangay Singko, Poblacion Calapan City, Oriental Mindoro. (Ulat ni Ed Amoroso)