^

Probinsiya

2 operator ng jueteng tugis

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang malawakang paghahanap ang isinasagawa ng mga kagawad ng pulisya laban sa dalawang bigtime "jueteng financiers" na umano’y patuloy ang "guerilla type" na operasyon ng jueteng sa buong lalawigan ng Pampanga.

Nabatid kay Pampanga Provincial Police Director Supt. Alejandro Gutierrez, na ipinakalat na niya ang lahat ng kanyang mga tauhan upang hanapin at arestuhin ang dalawang bigtime jueteng operators na hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng operasyon ng jueteng sa ilang bahagi ng lalawigan na sina Melchor Calauag alias "Ngongo" at Pampanga Municipal Councilor Mario Garcia.

Ayon kay Gutierrez ang dalawang jueteng operators ay nabibilang sa listahan ni Rodolfo "Bong" Pineda bilang mga "gambling lords" sa lalawigan at sa kabila ng kautusan ni Pangulong Joseph Estrada na itigil ang operasyon ng ilegal na sugal sa buong bansa ay patuloy naman ang operasyon ng jueteng nina Garcia at Calauag na may nakaambang warrant of arrest na ipinasya ni Judge Valentino Niyog ng Masantol Municipal Trial Court.

Kasalukuyang ay may 37 jueteng collectors ang naaresto. (Ulat ni Jeff Tombado)

ALEJANDRO GUTIERREZ

JEFF TOMBADO

JUDGE VALENTINO NIYOG

JUETENG

MASANTOL MUNICIPAL TRIAL COURT

MELCHOR CALAUAG

PAMPANGA

PAMPANGA MUNICIPAL COUNCILOR MARIO GARCIA

PAMPANGA PROVINCIAL POLICE DIRECTOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with