^

Probinsiya

Militar vs NPA ; 1 todas nag asawa sugatan

-
PRIETO DIAZ, Sorsogon — Isang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi at dalawa pa nitong kasamahan na mag-asawa ang malubhang nasugatan matapos na maka-engkuwentro ang Alpha Company ng 2nd Infantry Batallion ng Phil. Army sa Barangay San Rafael sa bayang ito.

Ang mga sugatan na rebelde na isinugod sa Sorsogon Provincial Hospital ay ang mag-asawang Romeo, 25 at Sharon Belmonte, 24, na pawang residente ng naturang lugar, samantala ang nasawing rebelde ay kasalukuyang kinikilala ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat na nakarating kay Col. Dante Bonifacio ang Commanding Officer ng 202nd IB. Phil. Army na nakabase sa Barangay Villahermosa Daraga, Albay na ang engkuwentro ay naganap dakong alas-6:30 ng umaga habang ang mga tauhan ng Alpha Coy sa pamumuno ni Staff Sgt. Dominador Alcalde ay nagsasagawa ng pagpapatrulya sa naturang lugar.

Napag-alaman na habang ang tropa ng pamahalaan ay nagpapatrulya ay nakita nila ang 20 kabataan na rebelde na nasa bahay ng mag-asawang Belmonte.

Nagkaroon ng palitan ng putok ang magkabilang panig na umabot sa 15 minuto ang sagupaan na siyang ikinasawi ng isang rebelde at ikinasugat ng mag-asawa. Matapos ang palitan ng putok ang mga rebelde ay mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Bacon at sa bulubundukin na lugar ng naturang barangay. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALPHA COMPANY

ALPHA COY

BARANGAY SAN RAFAEL

BARANGAY VILLAHERMOSA DARAGA

COMMANDING OFFICER

DANTE BONIFACIO

DOMINADOR ALCALDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with