^

Probinsiya

Tinodas habang nagta-trapik

-
DAGUPAN CITY – Binaril at napatay ang isang traffic aide ng hindi kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo, habang ang biktima ay nagmamando ng trapik sa Tambactebeng at Bolosan road ng naturang lungsod noong Martes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Josefino Bautista ng A.B. Fernandez West ng naturang lugar, habang ang suspek na sakay ng motorsiklo ay mabilis na tumakas matapos na barilin sa likod si Bautista.

Batay sa ulat ng pulisya, lumalabas na kasalukuyang nagmamando ng trapik si Bautista sa nasabing lugar nang mamataan nito ang suspek na lumabag sa batas trapiko.

Nagawang murahin umano ng biktima ang suspek na sakay ng motorsiklo kaya nagalit ito.

Ayon sa mga impormasyon nakalap ng pulisya, binalikan ng suspek upang barilin sa likurang bahagi ng katawan nito na nagresulta sa kanyang kamatayan. (Ulat ni Cesar Ramirez)

vuukle comment

AYON

BATAY

BAUTISTA

BINARIL

BOLOSAN

CESAR RAMIREZ

FERNANDEZ WEST

JOSEFINO BAUTISTA

KINILALA

NAGAWANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with