Military detachment sinalakay ng NPA: Army Cpl. natodas

Isang Army Corporal ang iniulat na nasawi makaraang salakayin ng tinatayang mahigit sa 10 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang binabantayan nitong patrol base sa Barangay Bato, Bacon, Sorsogon, kamakalawa.

Kinilala ang sundalong nasawi na si Army Cpl. Herry Quitasol, miyembro ng 20th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Si Quitasol ay nagtamo ng malulubhang tama ng bala ng baril at namatay noon din.

Napag-alaman na dakong alas-2:30 ng madaling araw ng sorpresang salakayin ng grupo ng mga rebeldeng NPA ang nasabing patrol base sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na tumagal ang labanan ng may ilang minuto na dito minalas na nasawi si Quitasol. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments