^

Probinsiya

Antipolo Cathedral nilooban

-
ANTIPOLO CITY – Nilooban ng pinaghihinalaang miyembro ng ‘Akyat-Bahay Gang’ ang Antipolo Cathedral at nakatangay ng tinatayang P20,000 cash na donasyon sa nabanggit na simbahan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre ang naganap na panloloob dakong alas-5:45 ng umaga sa loob ng naturang cathedral na nasa M.L. Quezon St. Barangay San Jose .

Isang tawag sa telepono ang natanggap ng pulisya mula kay Anastacia Avillana, 71, deboto ng simbahan na siyang nakadiskubre sa naganap na nakawan.

Puwersahan umanong winasak ng mga suspect ang padlock sa likurang pintuan. Matapos makapasok winasak din ng mga ito ang lock sa siyam na donation box sa simbahan na doon nakalagay ang mga pera.

Sinabi naman ng security guard na si Celso Bangalisan, 35, bantay sa simbahan na wala siyang anumang nakitang tao na pumasok sa simbahan. Nasorpresa rin umano siya nang sabihan siya ukol sa nakawan.

Isang malalim na imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya upang matukoy kung sino ang posibleng nagnakaw sa cathedral. (Ulat ni Danilo Garcia)

AKYAT-BAHAY GANG

ANASTACIA AVILLANA

ANTIPOLO CATHEDRAL

CELSO BANGALISAN

DANILO GARCIA

ISANG

MATAPOS

NASORPRESA

NILOOBAN

QUEZON ST. BARANGAY SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with