^

Probinsiya

7 todas sa atake ng MILF, NPA rebels

-
Pito katao ang iniulat na nasawi, kabilang dito ang tatlong sundalo, tatlong militiamen at isang sibilyan makaraang muling maghasik ng magkakahiwalay na opensiba ang rebeldeng kilusan ng NPA at MILF sa Agusan del Sur at Maguindanao, kamakalawa.

Naganap ang unang insidente ng terorismo sa kahabaan ng national highway sa Limbalod, Pagawan, Maguindanao dakong alas-9:30 ng umaga.

Napag-alaman na may 30 armadong MILF rebels ang nagsagawa ng pananambang sa tatlong sundalo at isang sibilyan na lulan ng motorsiklo.

Ang pangyayari ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang kawal at isang sibilyan na tinukoy sa palayaw na Toto.

Hindi muna tinukoy ang pangalan ng mga nasawi dahilan sa kailangan pang iparating ang sinapit ng mga ito sa kanilang pamilya.

Makalipas ang mahigit isang oras, inatake naman ng may 20 NPA rebels ang CAFGU detachment ng 62nd Infantry Battalion sa Barangay San Policarpio , San Luis, Agusan del Sur, na dito isang sundalo at tatlong kasapi ng CAFGU ang nasawi sanhi ng mga grabeng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Base sa ulat na nakalap ng militar, nagpalabas ng kautusan si CPP-NPA- NDF founding chairman Jose Ma. Sison mula sa bansang Netherland sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng ibayong opensiba laban sa tropa ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

AGUSAN

BARANGAY SAN POLICARPIO

INFANTRY BATTALION

JOSE MA

JOY CANTOS

LIMBALOD

MAGUINDANAO

MAKALIPAS

NAGANAP

SAN LUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with