Dalagita hinalay bago tsinap-chop
October 15, 2000 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Karumaldumal ang sinapit na kamatayan ng isang hindi pa nakikilalang dalagita na halos magkahiwa-hiwalay ang katawan bunga ng maraming saksak at taga na tinamo nito sa mga suspect na humalay pa sa kanya at pagkatapos ay iniwan ang labi nito sa madamong lugar sa Barangay Amuntay Road, Zone 3 ng bayang ito, kamakalawa.
Ang biktima ay tinatayang nasa gulang na 13-15, may taas na limang talampakan at maikli ang buhok.
Binanggit pa sa ulat na hiwa-hiwa ang mga braso at lumuwa ang bituka sanhi ng malalim na taga sa beywang ng biktima ng matagpuan ng mga awtoridad.
Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng sabog sa ipinagbabawal na gamot ang suspect o mga suspect nang isagawa ng mga ito ang krimen.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jo Norman Ame Patambang, may hawak ng kaso dakong alas-7 ng gabi ng matagpuan ang hubong katawan ng biktima sa nasabing lugar.
Natagpuan naman sa tabi nito ang kulay blue violet na short at pulang t-shirt.
Binanggit pa ng pulisya na maaaring nanlaban ang biktima sa mga rapist at posible ring kakilala nito ang mga huli kaya tinuluyan siyang patayin.
Lumalabas pa sa inisyal na imbestigasyon na sa ibang lugar isinagawa ang krimen at itinapon na lamang ang labi ng biktima sa lugar na kinatagpuan para iligaw sa pagsisiyasat ang pulisya.
Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Bartolome Funeral Homes. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest