Laking pagkakamali ng suspek na nakilalang si Jose Roy, 29,ng Atlas compound, ng nasabing bayan matapos na madiskubre nito na ang kanyang mga nasaksak na mga biktimang sina Joel Diaz, 24, stay-in construction worker at asawang si Maryjane Diaz, 21. Inakala ni Roy na ang misis niya ang nakikipaglampungan kay Joel sa loob ng isang barracks sa naturang construction site.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni PO3 Jo Norman Patambang,may hawak ng kaso, bandang alas-5:30 ng umaga habang mahimbing na natutulog ang mag-asawang Diaz sa loob ng kanilang barracks nang bigla na lamang dumating ang suspek at sumugod ng patalim. Walang sabi-sabing pinagsasaksak ang mag-asawa habang sumisigaw si Roy nang "taksil kang babae ka".Nagtamo ng tig-isang tama ng patalim sa dibdib at balikat ang mag-asawang Diaz na ngayon ay ginagamot sa University Medical Center at si Roy ay tumakas matapos ang isinagawang krimen dala ang ginamit na patalim.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)