Magsasaka niratrat sa harap ng pamilya
October 9, 2000 | 12:00am
PILAR, Sorsogon Isang 30-anyos na magsasaka ang pinagbabaril hanggang sa mamatay ng mga miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa loob ng bahay ng kanyang ama sa barangay Pinagsalog sa bayan na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Richard Velasco, 30, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-10 ng gabi habang ang biktima ay nasa loob ng bahay ng kanyang ama.
Ayon sa ulat ng pulisya, may walong kabataan na umanoy rebeldeng NPA ang dumating at kumatok sa bahay ng ama ng biktima at hinahanap ng mga ito si Richard.
Mabilis naman sumaklolo ang ama ng biktima subalit ito ay walang magawa dahil lahat ng mga miyembro ng pamilya ng biktima ay tinutukan ng baril ng mga rebelde.
Matapos na paslangin ang biktima sa harap ng kanyang mga ka-pamilya, ang mga rebelde ay mabilis na nagsitakas papalayo sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.
Hindi pa malinaw sa pamilya kung ano ang motibo ng mga salarin para patayin ang biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 21 hours ago
By Victor Martin | 21 hours ago
By Omar Padilla | 21 hours ago
Recommended