Ama na humalay sa anak, nag-suicide
October 8, 2000 | 12:00am
PRECENTACION, Camarines Sur Dahil sa konsensiya, isang 36-anyos na ama ang nagpakamatay sa loob ng kanyang kulungan matapos nitong gahasain ang kanyang anak sa Barangay Maangas sa bayan na ito.
Ang biktima na natagpuan na lamang na nakabitin sa loob ng toilet ng selda dakong alas-11 ng gabi ay nakilalang si Daven Mendez, may asawa, laborer at residente ng naturang lugar.
Nabatid kay SPO1 Emmanuel Avila, ang warrant officer ng Precentacion Mun. Police Station na ang biktima ay una ng nahuli ng mga awtoridad matapos na ito ay ipagharap ng reklamo nang panggagahasa ng kanyang anak na si Joyce, 12 (di tunay na pangalan).
Napag-alaman na ang ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay ay ang kanyang sariling t-shirt na itinali nito sa kanyang leeg at saka itinali sa beam ng kubeta sa loob ng kanyang kulungan.
May teorya ang mga imbestigador na hindi makayanan ng kanyang konsensiya ang ginawang pang-aabuso sa kanyang sariling anak kung kaya ito ay nagpakamatay na lamang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest