Motorsiklo sumalpok sa poste, 2 katao todas
October 7, 2000 | 12:00am
ANGONO, Rizal Dalawang binata ang namatay, habang nakaligtas naman ang kasama nilang bakla matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang humahagibis na motorsiklo sa isang sementadong poste nang mawalan ng kontrol ang driver nito dahil sa bigat nila, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.
Kinilala ni Sr. Insp. Ambrocio Cenidoza, hepe ng Angono PNP, ang mga nasawi na sina Eugene Francisco, 19, binata, at si Carlos Delos Reyes, 20, binata, pawang residente ng Apollo st., Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.
Nakaligtas naman ang kanilang kasamahan na si Rodolfo Sumulong alyas Roda, ng Sitio Victoria, Cainta, Rizal. Nagtamo ang mga biktima ng malulubhang bagok ng ulo nang tumalsik ang mga ito sa sementadong kalsada.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:20 ng gabi sa may Quezon Avenue, Brgy. San Isidro, ng bayang ito. Nabatid na binabagtas ng mga biktima ang naturang kalsada sakay ng itim na motorsiklong Yamaha (NT3361) patungo sa bayan ng Taytay. Ito ay minamaneho ni Delos Reyes.
Bigla na lamang umanong gumewang ang motor hanggang sa tuluyang nawalan na ng kontrol si Delos Reyes. Dire-diretsong sumalpok sa isang sementadong poste ng Meralco ang motorsiklo.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumalsik pa sa ere ng ilang metro ang taas ng mga biktima at bumagsak nang una ang ulo sa semento. Sinuwerte namang napunta sa damuhan si Sumulong kung kaya nagtamo lamang ito ng pilay at mga galos sa katawan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest