^

Probinsiya

Suspect sa pagpatay at pagpapasabog tiklo sa loob ng korte

-
MALOLOS, Bulacan – Isa umanong suspect sa kasong pagpaslang at bigong pagpaslang ang naaresto ng mga tauhan ng Bulacan-CIDG Office sa loob mismo ng korte kamakalawa ng hapon, habang bineberipika nito kung may nakasampang kaso laban sa kanya.

Ang nadakip na suspect ay nakilalang si Rodel Aliaga, ng Sitio Tawi-Tawi, Pangarap Village, Caloocan City.

Si Aliaga ay sinasabing kasama ng dalawa pang suspect na sina Dominador Malana at Ronnie Malana na sangkot sa naganap na pagpapasabog sa bahay ng isang Vicente Roxas sa nasabing lugar noong nakalipas na Mayo 28, 2000.

Nasawi sa naturang insidente ang isang Betty Capsa Roxas, samantalang malubha namang nasugatan sina Jenny dela Cruz at Suzette Roxas na pinutulan ng kaliwang binti sanhi ng labis na pinsala dulot ng nangyaring pagsabog.

Si Aliaga ay namataan ng kanyang complainant habang nasa loob ng korte habang inaalam nito kung may nakasampang kaso laban sa kanya kaugnay sa naganap na pagsabog.

Wala namang ibinibigay na ulat ang pulisya tungkol sa motibo ng ginawang pagpaslang sa mga naging biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BETTY CAPSA ROXAS

BULACAN

CALOOCAN CITY

DOMINADOR MALANA

EFREN ALCANTARA

PANGARAP VILLAGE

RODEL ALIAGA

RONNIE MALANA

SI ALIAGA

SITIO TAWI-TAWI

SUZETTE ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with