^

Probinsiya

2 apo hinalay ng lolo

-
LUCENA CITY – Posibleng maihanay sa mga papatawan ng parusang kamatayan ang isang 76-anyos na lolo matapos na ito ay iturong gumahasa ng ilang beses sa kanyang dalawang apo sa Purok Langka, Barangay Mayao Castillo sa lunsod na ito.

Nakilala ang suspect na lolo na si Jose Bandola. Ito ay agad namang dinakip ng pulisya.

Samantalang ang kanyang dalawang apo na itinago sa pangalang Rea, 11 at kapatid na si Maan, 9 ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng DSWD at ngayon ay nakakaranas ng mental disorder dahilan sa ginawa sa kanilang kahayukan ng kanilang lolo.

Base sa pahayag ng mga biktima sinimulan silang halayin ng kanilang lolo noong Setyembre 25 ng taong kasalukuyan at ito ay nasundan pa ng may ilang ulit.

Itinataon umano ng suspect ang panghahalay sa dalawang bata habang wala sa bahay ang mga magulang ng mga ito.Tinatakot umano ng matanda ang dalawang bata na may mangyayaring masama kung magsusumbong ang mga ito.

Nagkaroon lamang nang pagkakataon ang mga bata na magsumbong sa kanilang magulang ng mapataong umalis ng kanilang bahay ang kanilang lolo. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY MAYAO CASTILLO

ITINATAON

JOSE BANDOLA

KANILANG

MAAN

NAGKAROON

PUROK LANGKA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with