2 basurero dedo sa salpok ng van
MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang basurero nang sila ay aksidenteng masalpok ng isang humahagibis na van habang nangongolekta ng basura sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Ang dalawang biktima na pawang aktibong taga kolektor ng basura ng pamahalaang lungsod ng Cauayan ay kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Cauayan District Hospital.
Sa ulat ng Cauayan City Police, bago nangyari ang insidente noong Huwebes ng gabi ay abala ang dalawang biktima nasa likod ng truck at nagkakarga ng kinolektang mga basura nang bigla na humarurot ang van na binangga ang likuran ng truck ng basura kung saan nasapul ang dalawang biktima.
Nagawa pa maisugod sa pagamutan ang dalawang biktima, pero kapwa idineklarang ang dead-on-arrival sanhi nang matitinding sugat na tinamo sa katawan.
Kinasuhan ang driver ng van ng imprudence resulting in double homicide at damage to property.
- Latest















