^

Police Metro

4 EDSA busway operators, iniimbestigahan sa overcharging

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inimbestigahan ng Department of Transportation (DOTr) ang apat na kumpanya ng bus na nagpapatakbo sa EDSA Busway matapos makatanggap ng mga reklamo hinggil sa umano’y paniningil nang sobra o overcharging sa mga pasahero.

Ipinatawag ni Transportation Secretary Vince Dizon ang mga kinatawan at may-ari ng naturang mga kum­panya upang magpa­liwanag ukol sa mga reklamong isinampa laban sa kanila. Kasabay nito, nagbabala ang ahensya na hindi ito papayag sa anumang paglabag sa itinakdang pamasahe at magpapatupad ng kaukulang parusa kung mapatunayang nagkasala ang mga operator.

“Kung mapatuna­yan na talagang lahat sila nag-overcharge, tatanggalin ‘yung driver, tatanggalin ‘yung konduktor at papasuspinde ‘yung kumpanya,” ani Dizon.

Siniguro rin ng kalihim na mahaharap sa kahalintulad na parusa ang lahat ng public utility vehicles (PUVs) sa buong bansa na magkakaroon ng kahalintulad na paglabag.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with