^

Police Metro

FBI sinisiyasat ang CPP-NPA-NDF network sa US

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na umano ng ­Federal Bureau of Investigation (FBI) ang posibleng ugnayan ng ilang Filipino-­American at organisasyon sa Estados Unidos sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), bagay na ikinatuwa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kasunod ito ng pahayag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na ilang ulit umanong kinontak ng mga tauhan ng FBI at Embahada ng Estados Unidos sa Maynila ang pamilya ni Gabe Pasion kaugnay ng kapatid nitong si Cristina, na dinakip noong Hulyo sa Laguna.

Sa isang press conference sa Baltimore na inorganisa ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP), sinabi ni Gabe na nakatanggap ang kanilang pamilya ng mga tawag, pagbisita sa bahay at pagtatanong sa kanilang pinagtatrabahuhan mula sa mga tauhan ng FBI at embahada.

Ayon kay NTF-ELCAC spokesperson Liza Fidelis Cañada, maaaring imbestigahan ng mga otoridad ng Amerika ang sinumang mamamayang nagbibigay ng materyal na suporta sa CPP-NPA, na itinalaga ng Estados Unidos bilang Foreign Terrorist Organization noong 2002.

Gayunman, dapat umanong nakabatay sa ebidensiya ang mga pagsisiyasat at igalang ang karapatan sa malayang pagpapahayag at mapayapang pagkilos.

Hinimok ni Cañada ang mas mahigpit na koordinasyon ng mga awtoridad ng Pilipinas at Estados Unidos upang matukoy ang mga posibleng network na nangangalap ng kasapi, nagpopondo at nagbibigay ng suporta sa armadong kilusan.

FBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with