LTFRB: Special permit para sa Undas, simula sa Sept 21

MANILA, Philippines — Simula sa darating na Setyembre 21 bilang maagang paghahanda sa darating na Undas ay magsisimula nang tumanggap ng application para sa special permits ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Sa inilabas na pahayag ng LTFRB noong Linggo, Setyembre 6, binanggit ni LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua, Jr. na aandar ang application hanggang sa Oktubre 2 para mabigyan ng sapat na oras ang kanilang agency personnel na ma-review lahat ng dokumento ng units, partikular ang road worthiness ng mga ito.
Ang special permit naman para sa mga sasakyang babiyahe ay mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 6.
Ani Pua, layon ng mahabang paghahandang ito na matiyak ang ligtas at komportableng pagbiyahe ng mga Pinoy pauwi sa kanilang mga probinsya sa Undas.
- Latest















