^

Police Metro

Ekonomiya ng Occidental Mindoro, umarangkada

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Sa paghupa ng insurgency…

MANILA, Philippines — Umarangkada ang ekonomiya ng Occidental Min­doro matapos umakyat sa 11.2 porsiyento ang economic growth mula sa dating 2.1 porsiyento.

Ito ang inihayag ni Occidental Mindoro Lone District Rep. Leody “Odie” Tarriela na nagpapakita na mag­kaugnay ang kapayapaan at kaunlaran.

Sa FAQCheck press conference, sinabi ni Tarriela na hindi sapat ang operasyong panseguridad upang tulu­yang wakasan ang insurhensya at kailangang maihatid sa mga dating conflict-affected communities ang kalsada, kur­yente, kabuhayan at pangunahing serbisyo ng gobyerno.

Pito sa 11 munisipalidad ng lalawigan ang nakamit ang insurgency-free status pagsapit ng 2024.

Binigyang-diin ni Tarriela ang pagbuti ng suplay ng kuryente at pagpasok ng mga proyektong pangkaunlaran na nagbukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo at trabaho.

Kabilang dito ang infrastructure project sa Magsaysay sa ilalim ng FY 2026 LGSF-Support to the Barangay Development Program (SBDP), gayundin ang mga farm-to-market road sa Sablayan na nag-uugnay sa mga liblib na komunidad sa pamilihan, paaralan at health facilities.

Pinasalamatan ni Tarriela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang NTF-ELCAC sa pagpapatupad ng Barangay Development Program.

EKONOMIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with