^

Police Metro

12 MRT-7 stations, target buksan sa Hunyo 2027-DOTr

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Department of Transportation (DOTr) ang target nitong maging operational ang unang 12 istasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) sa ikalawang quarter o Hunyo 2027

Ito ang kinumpirma ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Lopez na ang naturang 12 istasyon mula Sacred Heart hanggang Quezon North Avenue Joint Station ay on track na maging operational hanggang sa ikalawang bahagi ng 2027.

Ang natitira pa namang dalawang istasyon ay inaasahang makukumpleto at mabubuksan sa publiko sa taong 2028 na kinabibilangan ng Tala at San Jose, Del Monte Stations.

Ang MRT-7, na may habang 22-kilometro, ay kokonekta sa MRT-3, mula Epifanio de los Santos Avenue (EDSA).

Mayroon itong arawan na mananakay na umaabot sa 500,000 sa common station at inaasahang magdaragdag pa ng mananakay sa iba pang linya ng tren na iuugnay dito.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with