^

Police Metro

Bangka tumaob: 6 utas, 3 nawawala

Jojo Perez, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na katutubo ang nasawi, habang tatlo nawawala matapos tumaob ang sinasakyang nilang bangkang de motor sa Lake Mapanuepe, Barangay Buhawen, San Marcelino, Zambales noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat alas-4:40 ng hapon ay lulan ang 13 katao, kabilang ang driver ng bangkang de motor at patungo sila sa Sitio Lomibao nang mangyari ang insidente.

Ang anim na nasawi ay sinasabing miyembro ng katutubong Aeta, apat ang nakaligtas at tatlo ang nawawala kabilang ang isang 5-anyos na bata, 12-anyos na bata, at isang buntis na babae.

Batay sa paunang impormasyon, pauwi na ang mga biktima sa Sitio Lomibao matapos mangga­ling sa Buhawen Proper, kung saan dumalo sila sa kanilang bakunahan sa Barangay Center at 4Ps meeting nang mangyari ang sakuna.

Ayon naman kay Liza Balario, Indigenous Peoples Mandatory Representative ng Barangay Buhawen na kinakaila­ngan umano tumawid ng mga katutubo sa lawa upang makarating sa barangay proper kung saan naroon ang health center.

Batay sa hiwalay na initial situation report na nagsasabing posibleng overloading ang dahilan nang pagtaob ng bangka.Nagpapatuloy ang operas­yon upang mahanap ang tatlong nawawala.

BANGKA

MOTAOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with