^

Police Metro

3 katao todas sa gun attack

Arnell Ozaeta, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril na naganap sa Batangas, Rizal at Quezon.

Sa Lipa City, Batangas, patay ang isang 49-anyos na supervisor na si alyas “Elmer” matapos pagbabarilin ng isang arma­dong lalaki sa Purok 5, Barangay Rizal, alas-7:15 ng gabi nitong Agosto 19.

Ayon sa anak ng biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay nang makarinig ng apat na magkakasunod na putok ng baril mula sa labas.

Nakita niya ang kanyang ama na naka­handusay sa lupa habang nakatayo sa harap nito ang suspek na nakasuot ng som­brero at nagpapalit ng magazine ng hawak nitong baril.

Matapos magpalit ng magazine, muling­ pi­naputukan ng suspek ang biktima­ ng da­lawang beses bago sumakay sa isang itim na motorsiklo at tumakas patungong Barangay Calamias.

Ang biktima ay dinala sa Divine Love Medical Center ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Sa Brgy. Inarawan, Antipolo City, Rizal ay isang babae na si alyas “Aiza” ang nasawi matapos pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa tabi ng Seminario Church, alas-11:55 ng gabi noong Agosto 18.

Ayon sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa lugar nang bigla siyang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.

Sa Candelaria, Quezon, isa 50-anyos na lalaki ang napatay matapos pagbaba­rilin habang nakaupo sa harap ng isang tindahan sa Sitio Cocoma, Barangay Pahinga Norte, dakong alas-9:00 ng gabi nitong Agosto 19. Ayon sa pulisya, big­lang dumating ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima at agad na nasawi.

GUN ATTACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with