^

Police Metro

Mike Defensor, ‘utak’ sa destab plot vs Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Mike Defensor, âutakâ sa destab plot vs Pangulong Marcos
Former congressman Mike Defensor.
Mike Defensor via FB

MANILA, Philippines — Ang nakakulong na si dating Congressman Mike Defensor ang tinuro ng Malacañang na isa sa mga indibiduwal na umanoy mastermind o nasa likod ng destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nakikita naman ang style ng mga Duterte supporters kung paano sila mag-hire ng mga tao na gumagawa ng kathang isip kapalit nang malaking halaga laban sa Pangulo.

Ito ang sinabi ni Castro matapos bawiin ng ilang tinaguriang “Maleta Boys” ang kanilang testimonya na nag-deliver sila ng pera kina Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez at iba pang mambabatas.

Ayon pa kay Castro, maraming nakakaramdam na bahagi ito ng plano ni Defensor at ibang kasamahan nito para sa isang destablisasyon.

Nilinaw naman ni Castro na nagsasalita siya para kay Pangulong Marcos Jr at hindi para sa kuwento laban sa ibang tao. Nanawagan din siya na huwag magpabitag sa ganitong plano para lang sa pera dahil may mga taong inosente ang kanilang sisirain.

Kung ano man aniya ang mga naimbestigahan ng Office of the Ombudsman sa “Maleta Boys” patungkol kay Speaker Romualdez at ibang naituturo pa ay nasa kamay na aniya ito ng Ombudsman.

MIKE DEFENSOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with