^

Police Metro

Alok na ‘ceasefire’ ni Alan, tinabla ni Ping

Malou Escudero - Pang-masa
Alok na ‘ceasefire’ ni Alan, tinabla ni Ping
Photo of Sens. Alan Peter Cayetano and Panfilo Lacson.
Senate SMU

MANILA, Philippines — Walang planong maki­pag-ceasefire ni Senador Panfilo Lacson kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano matapos niyang ilantad ang mga umano’y anomalya na mga proyektong pang-imprastraktura sa Taguig City.

Sabi ni Lacson, ang alok na “ceasefire” ng isang taong walang habas na umatake nang walang anumang dahilan ay isa lamang galaw-ipokrito upang muling makapag-ipon ng lakas para makapaghanda para sa susunod niyang pailalim na galaw.

Hindi pa kinukumpirma ng tanggapan ni Caye­tano kung nag-alok ito ng ceasefire kay Lacson.

“CEASEFIRE MY FOOT! Anong uri ng tao ang magde-declare ng giyera, toy gun ang dala, at laway ang bala; pag na-confront ng bomba, magre-request ng ceasefire, pabulong pa?” pahayag ng senador sa X.

Ang tila alok na tigil-a­litan ay dumating matapos ilantad ni Lacson ang tinawag niyang “damning evidence” ng double bil­ling at iba pang iregularidad kaugnay ng slope protection at iba pang mga proyekto sa Taguig City.

Matapos isumite ang ang mga ebidensiya sa Ombudsman, sinabi ni Lacson na ilalahad niya ang “delicious” na mga detalye ng mga anomalya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga flood control project.

Nauna nang sinabi ni Lacson na handa siyang ibuhos ang lahat upang ipag­tanggol ang kanyang integridad matapos umanong lumampas sa hangganan si Cayetano nang magparinig ito na kuwestiyonable ang pagtaas ng kanyang net worth.

SENATOR PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with