2 batang paslit nalunod sa septic tank
MANILA, Philippines — Namatay ang dalawang daycare preschooler matapos na malunod sa nakabukas na septic tank na puno ng tubig ulan sa Brgy. Concepcion, Makilala, Cotabato nitong Lunes.
Sa ulat ng Cotabato Police ang mga nasawi ay isang 4 at 5 anyos na batang lalaki na apo at pamangkin ng barangay chairman.
Lumalabas sa imbestigasyon, kauuwi lang ng dalawang bata galing sa daycare school ay naglaro ito ng tubig sa nakabukas na septic tank.
Pinaglaruan ng mga bata ang kanilang lunch box sa nasabing septic tank na napuno ng tubig ulan nang aksidente silang nahulog.
Ilang mga residente ang sumaklolo pero tanging nakalutang na lunch box ng mga bata ang kanilang nakita.
Agad namang sumisid ang ilang miyembro ng rescue team sa naturang septic tank at naiahon ang dalawang bata na agad isinugod sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.
- Latest
















