P85 dagdag-sahod sa NCR, sinuspinde
MANILA, Philippines — Sinuspinde ang pagpapatupad ng P85 dagdag-sahod sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sector sa National Capital Region (NCR).
Ito ay matapos na maglabas ng kautusan ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) ng status quo ante order.
Batay sa dalawang pahinang kautusan nitong Huwebes, Hulyo 30 ay bahagyang pinagbigyan ni Pasig RTC Executive Judge Achilles Bulauitan ang petisyon na inihain ng Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc. laban sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board – NCR at National Wages and Productivity Commission.
Hiningi nila sa korte na pigilan muna o hindi kaya’y panatilihin muna ang dating antas ng sahod (status quo).
Bago ang wage order ay nasa P695 ang wage rate kada araw sa NCR.
Ginawa ito upang magkaroon ng sapat na panahon ang branch ng korte dahil hindi pa ito naira-raffle na pag-aralan nang mabuti ang mga merito at batayan ng aplikasyon ng petitioners para sa TRO.
- Latest




















