Betty Go Belmonte Research Grants Program, binuksan na
MANILA, Philippines — Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang aplikasyon para sa unang batch ng mga kukuha ng Betty Go-Belmonte Research Grants Program.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bahagi ito ng holistic at sustainable development na isinusulong ng lungsod.
Pinangalanan bilang parangal sa yumaong mamamahayag at publisher ng pahayagan na si Billie Mary “Betty” Go-Belmonte, layunin ng programa na bigyang-kapangyarihan ang mga estudyante, scholars, at academic professionals na makagawa ng mga evidence-based studies, practical recommendations, at research outputs na makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad at magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga pampublikong polisiya.
Bukas ang programa sa mga Filipino undergraduate at postgraduate students na residente ng Quezon City o hindi kaya ay naka-enroll sa higher education institution sa lungsod.
Maari mag-apply ang mga Filipino academic professionals na nagtuturo o nagsisilbi bilang faculty members sa Quezon City-based higher education institution.
Maaring isumite ang aplikasyon ng indibidwal o bilang team basta’t kwalipikado.
- Latest



















