Road mishap: 3 todas, 1 sugatan
MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong katao kabilang ang isang 3-anyos na bata habang isa ang nasugatan nang magbanggaan ang isang motorsiklo at isang kotse sa kahabaan ng Sayre Highway sa Brgy. Panadtalan, Maramag, Bukidnon, kamakalawa.
Sa ulat ng Bukidnon Police, hindi na umabot ng buhay ang 33-anyos driver ng kulay asul na Honda XRM motorcycle; 3-anyos na batang lalaking angkas; at ang driver ng nakabanggaan nitong Toyota Avanza at nasugatan ang babaing sakay nito.
Sa imbestigasyon, alas-2:40 ng hapon nitong Lunes nang mangyari ang insidente sa bahagi ng nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, masyado umanong mabilis ang takbo ng Toyota Avanza nang salpukin nito ang kasalubong na motorsiklo at sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang driver at ang kasamang bata.
Habang ang Avanza ay sumalpok sa punong niyog sa tabi ng highway na ikinasawi naman ng driver at ikinasugat ng pasaherong babae.
Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga otoridad.
- Latest





















