Pia, binatikos sa spliced video vs Diokno
MANILA, Philippines — Dahilan sa pagpapakalat umano ng disimformation sa spliced video sa palitan ng argumento sa pagitan ni House prosecutor Atty. Chel Diokno ay inulan ng mga batikos sa socmed si Senator-Judge Pia Cayetano.
Sa nasabing spliced video na ipinakalat umano ni Pia sa socmed ay pinalitaw nitong nagbabakasakali lamang si Diokno at walang ebidensya ang prosekusyon para ma-impeach si Vice President Sara Duterte na nililitis sa Senate impeachmet court.
Sa naturang malisyosong spliced video ni Pia ay may mapanlinlang itong caption na “Nagbabakasakali” na pinalilitaw na sa palitan ni Diokno ng argumento sa plenaryo ay natalo ang “law dean” at panalo ang kapatid niyang si Alan.
Ayon sa prosecution panel, kapag putol ang video, putol din ang konteksto at ang ipinost umano na video ni Sen. Pia ay nagpapakita lamang ng piling bahagi ng argumento na maaring magpalabas na sila ang panalo sa diskusyon.
Hindi naman ito pinalagpas ni Diokno at nilinaw ang isyu at dito’y tila muling nag-master class si Pia sa legal expert na si Diokno na isang Juris Doctor Magna Cum Laude sa Law School sa Northern Illinois University sa Estados Unidos at founding Dean ng De La Salle University College of Law.
Nilinaw ni Diokno na hindi nagbabakasakali lang ang prosecution dahilan may sapat na dahilan na makita ang mga rekord ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) tungkol sa bilyun-bilyong dumaan sa accounts ni VP Sara at ng kaniyang asawa (Atty. Mans Carpio).
- Latest
















