Casino dealer, 2 mananaya inaresto P750,000 poker fraud
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang casino dealer at dalawang mananaya nang mabisto ang umanoy sabwatan sa larong “Ultimate Texas Hold’Em Poker” nang manalo na P750,000.00 sa loob ng resort casino sa Pasay City, Huwebes ng madaling araw.
Sa ulat ni Pasay City Police Station chief, Colonel Joselito De Sesto, naganap ang dayaan alas-3:53 ng hapon ng Hulyo 2, kung saan natuklasan sa pamamagitan ng video footage ng Surveillance Department na ang casino dealer ay ipinapakita ang hole cards na dapat ay hindi malalantad sa bettors.
Sa sabwatan, nananalo ang bettors na kakutsaba ng casino dealer na malaking lugi umano sa may-ari ng casino.
Inaresto ang dalawang bettors at ang casino dealer ng safety and security unit personnel at ipinagharap na ang reklamong paglabag sa Article 315 paragraph (b) ng Revised Penal Code (estafa by resorting to fradulent practices to ensure success in a gambling game).
- Latest















