Maleta na puno ng ‘mangga’ at ‘wigs’ bitbit ng miyembro ng prosecution
MANILA, Philippines — Nagbitbit si impeachment prosecution panel member at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ng suitcase na sa halip na mga pera ay ipinakita nito sa media nitong Sabado na puno ng mga hinog na mangga at mga wigs.
Ito’y upang pasubalian ang mga maleta ang aniya’y mga kasinungalingan ng 18 umano’y ex-Marines na binitbit na testigo ni dating Senate President Alan Peter Cayetano at Senador Rodante Marcoleta na iniharap ng mga ito sa binuo nilang hindi awtorisadong Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng binuksang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects .
Sa News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City, sinabi ni Ridon na ang nasabing luggage display ay isang paalala na hindi lahat ng maleta ay pera ang laman.
“Meron po tayong dalang maleta ngayong araw po na ito. Hindi po lahat ng maleta may pera, mga kaibigan,” ani Ridon sabay bukas sa maleta na mangga at peluka ang laman na ipinakita nito sa media.
Ginawa ni Ridon ang pahayag bilang reaksiyon sa isinagawang pagdinig nina dating Senate President Alan Peter Cayetano at Senador Rodante Marcoleta noong Huwebes na sinabi ng mga testigo na nagdeliver ang mga ito ng maleta sa kaniya.
“Spectacle is not evidence,” ani Ridon na sinabing hindi pababahag ang prosecution panel sa mga kasinungalingan at gawa-gawang testimonya ng mga testigo na nagkabuhul-buhol ang kuwento na ikino-coach pa.
Si Cayetano ang sumasalamin sa mangga habang si Marcoleta naman sa wig base sa mga komento sa ngitngit ng mga netizens sa social media dahilan sa buhul-buhol na kuwento ng 18 Marines na kino-coach ng huli.
- Latest
















