Dr. Leachon sinuspinde ng 6-buwan
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng anim na buwan ang kilalang public health reform advocate na si Dr. Anthony Leachon kaugnay sa reklamong defamation at paglabag sa ethical standards ng kapwa physicians at health professional, batay sa inilabas na desisyon ng Philippine College of Physicians (PCP).
Sa 26-pahinang desisyon ng 13 miyembro ng Board of Regents ng PCP, napatunayang ang paglabag ni Leachon sa duties at responsibilities sa ilalim ng Code of Ethics sa pamamagitan ng paghahayag sa publiko laban sa mga kasama sa propesyon.
“Respondent engaged in defamatory allegations and insinuations or claims of corruption and unethical practice against colleagues, in a public and official forum, even without any personal knowledge or sufficient evidence to support the aforesaid allegations,” ayon sa desisyon.
Naging batayan sa reklamo ang maling representasyon bilang expert witness at pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa kanyang paninindigan laban sa Dengvaxia—ang bakuna laban sa sakit na dengue.
Samantala, sa kanyang Facebook post, plano ni Leachon na maghain ng legal remedy laban sa kanyang suspension.
- Latest















