Hospital arrest inaprubahan

Bonoan daming sakit - Sandiganbayan…
MANILA, Philippines — “Bakit ang daming sakit?”
Ito ang naging tanong ni Sandiganbayan Second Division Chairperson at Presiding Justice Geraldine Econg nang mabasa ang listahan ng mga sakit ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan nang ito ay basahan ng sakdal sa kasong graft kasama si Senador Jinggoy Estrada na may kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y P573 milyong kickback sa mga flood control project.
Nalaman ang kalagayan ng kalusugan ni Bonoan nang basahin ni Econg sa korte ang mga sakit na nakalista sa impormasyong ibinigay ng pulisya.
Kabilang dito ang acute coronary syndrome, chronic kidney disease, prostate cancer, diabetes, pananakit ng gulugod, carcinoma, at heart failure.
Ipinaalam din ng abogado ni Bonoan sa korte na kasalukuyan sumasailalim ang dating kalihim sa isang angiogram procedure.
Hindi nakadalo si Bonoan sa pagbasa ng sakdal dahil kasalukuyan siyang naka-confine sa isang pribadong ospital at inaprubahan ng Sandiganbayan na sumailalim ito sa hospital arrest habang naka-pending ang kaso sa graft court.
Niliwanag ng graft court na ang desisyon ay bilang humanitarian consideration dahil sa kanyang edad at medical conditions.
Kinumpirma rin ni DILG Secretary Jonvic Remulla na si Bonoan ay may dalawang surgeries ngayong linggong ito para magamot ang atake sa puso.
- Latest















