^

Police Metro

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, asahan

Mer Layson - Pang-masa
Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, asahan
A worker fills up a container with fuel at a gas station in Quezon City, suburban Manila .
AFP/Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Asahan ang posibleng magkaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod ng panibagong tensiyon sa Gitnang Silangan.

Base sa tatlong unang araw ng trading sa Mean of Platts Singapore, posible umanong magkaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel at kerosina habang may tapyas naman ang presyo ng gasolina. Ang presyo ng diesel ay maaaring tumaas ng P4.00 kada litro habang P4.60 naman kada litro ang maaaring itaas sa presyo ng kerosina.

Posible naman umanong bumaba naman ng P0.70 kada litro ang presyo ng gasolina. Gayunman, maaari pa anila itong magbago dahil mayroon pang dalawang trading days na natitira.

Ang pinal na adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo ay iniaanunsiyo tuwing araw ng Lunes at ipinaiiral kinabukasan.

PETROLYO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with