^

Police Metro

Buko vendor, inaresto sa 2 counts ng rape

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang buko vendor ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa kinakaharap na dalawang bilang ng kasong rape sa Tondo, Manila kahapon.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Justine,’ 23, residente ng Lakandula St,. Tondo at kabilang sa most wanted person (MWP) ng pulisya sa district level.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), dakong ala-1:40 ng hapon nang maaresto ang suspek sa harapan ng kanyang tahanan sa Lakandula St.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang pulisya na namataan ang suspek sa harapan ng kanyang bahay kaya’t kaagad na nagkasa ng operasyon.

Hindi na nakapalag ang suspek nang silbihan ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Quijano Sales Laure ng Regional Trial Court (RTC) Third Judicial Region, Branch 87, Gapan City, Nueva Ecija, laban sa kanya.

Nakapiit na ang suspek at walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang paglaya.

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with