Gumuhong gusali sa Pampanga, 10 na ang patay

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 10 katao ang nasawi sa gumuhong gusali matapos makuha ng search and retrieval team ang tatlo pang bangkay ng lalaki mula sa bahagi ng Quadrant 2 ng gumuhong itinatayong 9 storey na gusali sa Brgy.Balibago, Angeles City, Pampanga.
Sa report ng Angeles City Information Office, dakong alas-7:50 ng umaga nitong Linggo nang marekober ang ikapitong bangkay sa Quadrant 2 ng gumuhong gusali habang ang ikawalong bangkay ay nakuha, alas-2:51 ng hapon ng nasabi ring araw at ang ikasiyam at ikasampu ay dakong alas-3:43 ng hapon.
Agad na isinailalim sa maingat na proseso ng pag-tag at dokumentasyon ng City Health Office ang naturang labi bilang bahagi ng mahigpit na ipinatutupad na Disaster Victim Identification (DVI) protocol upang matiyak ang tamang pagkakakilanlan sa biktima.
Patuloy ang isinasagawang search and rescue, retrieval,at clearing operrations ng Unified Command sa gumuhong istruktura habang nananatiling nakatutok ang mga responder sa paghahanap sa iba pang posibleng biktima sa ilalim ng gumuhong gusali.
Magugunita noong Mayo 24, alas-3:00 ng madaling araw ay gumuho ang itinatayong gusali.
- Latest

















