^

Police Metro

Bus vs bus: 67 pasahero sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang nasa 67 pasahero makaraang aksidenteng magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Taloy Sur, Tuba, Benguet nitong Sabado ng gabi.

Sa report ng Benguet Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ng lokal na pulisya, nangyari ang sakuna, alas-8:35 ng gabi.

Sa imbestigasyon, bumabagtas ang isang bus ng Victory Liner na may body number 2025 sa paibabang bahagi ng nasabing highway galing Baguio City nang biglang magloko ang preno.

Bunsod nito ay nabigo ang driver na kontrolin ang manibela kung saan nakabanggaan nito ang kapwa Victory Liner bus na paakyat naman sa nasabing highway patungong Baguio City kung saan sa lakas ng pagkakabangga ay nasugatan ang 67 pasahero.

Nagresponde ang rescue team ng Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, mga tauhan ng pulisya, Philippine Red Cross at Bureau of Fire Protection (BFP) para maisugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Samantala, maglalabas ng show-cause order ang Department of Transportation-Cordillera (DOTr-CAR) laban sa Victory Liner kaugnay ng nasabing insidente.

AKSIDENTENG

MARCOS HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with