^

Police Metro

Jonvic: Sumuko ka na Sen. Bato!

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Jonvic: Sumuko ka na Sen. Bato!
Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla on September 1, 2025.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Umapela si Interior and Local Government Secretary Jonvic ­Remulla kay Senator ­Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko na lang.

Ito ang sinabi ni Remulla sa isang panayam kasabay ng pagbubukas ng ika-4 na PNP Press Corps Invitational Shoot fest sa Camp Karingal kahapon.

Ayon kay Remulla, mas makabubuting sumuko na lamang si Dela Rosa at harapin ang kasong crime against humanity na isinampa laban sa kanya.

Aniya, apektado ang pagseserbisyo sa publiko dahil nahahati pa­puwersa ng PNP sa pag­hahanap sa kanya at sa iba pang mga may kaso.

Hindi na aniya dapat pang patagalin pa ng Senador dahil ang mga serbisyo naman sa taumbayan ang nasasakripisyo.

Aminado si Remulla na hindi madali ang pag­hahanap kay Dela Rosa na itinuturing na “armed and dangerous”.

Tiniyak din ni Remulla na walang dapat na ipa­ngamba si Dela Rosa dahil igagalang nila ang karapatan nito sa pagpapatupad ng International Criminal Court (ICC) warrant laban sa kaniya.

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with