2 sundalo nasawi sa training

MANILA, Philippines — Dalawang military recruits ang nasawi matapos umanong mag-collapse habang nasa training sa Tarlac, kamakailan.
Kinilala ang mga biktima bilang miyembro ng Candidate Soldier Class 806-2026 na sumasailalim sa pagsasanay sa School for Candidate Soldier sa ilalim ng Army Training Command.
Ayon kay Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala nitong Biyernes, Mayo 29, bigla umanong bumagsak ang dalawang trainees habang nasa formation bandang ala-1:00 ng hapon noong Mayo 26, isang araw matapos simulan ang kanilang military training.
Agad silang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital ngunit kalaunan ay nasawi rin kinagabihan.
Nabatid na ang isa sa mga recruit ay mula sa Davao del Norte habang ang isa naman ay taga-Basilan.
Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine Army sa insidente upang malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng dalawang trainees.
- Latest















